Residential area nasunog sa Cagayan de Oro City, aabot sa 36 pamilya ang nawalan ng tirahan

By Chona Yu February 03, 2020 - 02:07 PM

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Barangay Bayabas sa Cagayan de Oro City, alas-7 ng gabi ng Linggo (February 2).

Dalawampung bahay ang nasunog at ang aabot sa 36 na pamilya ang nawalan ng tirahan.

Aabot naman sa P1.8 milyon piso ang halaga ng pinsala sa mga ari-ariang natupok ng apoy.

Umabot ng isang oras ang sunog at wala namang naitalang nasugatan sa insidente.

Ayon naman sa mga taga-pamatay sunog, isa sa mga tinitingnan nilang anggulo na pinagsimulan ng apoy ay ang napag-iwanang niluluto sa kusina.

Agad namang tinugunan ng mga tauhan ng Cagayan de Oro City Social Welfare and Development ang pangangailangan ng mga nasunugang residente tulad ng food packs, banig, at kumot.

TAGS: 20 bahay nasunog, 36 pamilya apektado, Cagayan De Oro City, Cagayan de Oro City Social Welfare and Development, 20 bahay nasunog, 36 pamilya apektado, Cagayan De Oro City, Cagayan de Oro City Social Welfare and Development

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.