Tatlo patay sa buy-bust operation sa Bulacan

Nasawi ang tatlong drug suspect matapos manlaban sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Barangay San Manuel sa San Jose del Monte sa Bulacan, alas-12:30 ng hatinggabi ng Lunes (February 3).

Nakilala ang isa sa mga suspek na si JR Borromeo habang hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang iba pa.

Ayon sa mga otoridad, nanlaban ang mga suspek matapos matunugang mga pulis ang kanilang katransaksiyon.

30 sachet ng hinihinalang shabu, mga sumpak at mga bala ang nakuha sa mga suspek.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mag otoridad kung may iba pang kasabwat ang 3 nasawing suspek.

Read more...