Bilang ng PUIs 80 na ayon sa DOH; 48 dito ang hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri
Umakyat na sa 80 ang bilang ng itinuturing ng patients under investigation (PUIs) ng Department of Health (DOH) dahil sa hinihinalang nCoV.
Ayon sa DOH, 10 sa nasabing bilang ang pinauwi na o nakalabas na ng ospital matapos bumuti na ang kondisyon at mag-negatibo naman sa tests.
Mayroon namang 67 pa ang naka-admit pa rin sa ngayon sa mga pagamutan at pawang nasa isolation room.
Kasama na sa bilang ng mga itinuring na PUIs ang walo na nakahalubilo ng dalawang Chinese na nag-positibo sa nCoV.
Pero sa 67, mayroong 30 na nagnegatibo sa pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Mayroon namang 48 na hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri.
Habang nananatiling dalawa ang kumpirmadong kaso ng nCoV sa bansa,
Ito ay ang Chinese couple kung saan ang lalaki ay nasawi noong Sabado habang ang babae ay bumubuti naman ang kondisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.