74 na kataong nakahalubilo ng 2 pasyente na nag-positibo sa 2019-nCoV nahanap na ng DOH

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas February 03, 2020 - 12:44 PM

Natukoy na ng Department of Health (DOH) ang pitumpu’t apat na katao na nakasalamuha ng dalawang Chinese na nag-positibo sa novel coronavirus.

Ayon kay Department of Health (DOH) epidemiology bureau head Dr. Ferchito Avelino, ang 74 ay nabigyan na ng abiso para magsagawa ng home quarantine.

Habang nasa bahay, sila ay dapat isolated at hindi muna makikihalubilo sa iba.

Una nang sinabi ng DOH na katuwang ang airline company at ang mga lokal na pamahalaan kung saan nagtungo ang dalawa ay hinanap ang kanilang mga nakahalubilo.

Ito ay para masuri ang mga ito at matiyak na ligtas sila sa nCoV.

Sa 74 na nahanap, mayroong walo na nakitaan ng sintomas ng flu gaya ng pagkakaroon ng ubo.

Masusi silang binabantayan ng DOH at isinama na sa bilang ng mga itinuturing na patients under investigation (PUIs).

TAGS: contact tracing, disease, doh, heath, Inquirer News, ncov, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, PUIs, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, contact tracing, disease, doh, heath, Inquirer News, ncov, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, PUIs, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.