Ngunit ayon kay PNP-PIO chief, Police Chief Supt. Wilben Mayor, isinasailalim pa nila ito sa proseso.
Nilinaw din ng pamunuan ng PNP na ang pabuya mula sa gobyerno ng Pilipinas ang kanilang pino-proseso ngayon para sa impormante ni Marwan.
Kabilang sa prosesong gagawin ng PNP ay ang pag beripika kung lehitimo ang taong kukuha ng pabuya at kung siya ba talaga ang nagbigay ng tip sa mga otoridad ng pinagtaguan ni Marwan.
Hindi na nakapagbigay ng detalye si Mayor kung gaano katagal ang kanilang prosesong gagawin bago maaprubahan ang pagbibigay ng pabuya at base na rin tio sa magiging desisyon ng Reward and Valuation committee.
Pagtitiyak ni Mayor, buo pa rin ang at walang bawas ang pitong milyong pisong patong sa ulo ni Marwan at naghihintay na lamang sila ng desisyon mula sa komite para maibigay na ito sa claimant.