‘Pabuya ng gobyerno sa impormante ni Marwan, posibleng may makakuha’ -PNP

By Mariel Cruz January 31, 2016 - 01:34 PM

marwan-dead-liteKinumpirma ng Philippine National Police na mayroon ng claimant o posibleng makakuha ng reward money sa nakapagturo sa pinagtataguan ng Malaysian bomb expert na si Zulkifli Bin Hir alias Marwan.

Ngunit ayon kay PNP-PIO chief, Police Chief Supt. Wilben Mayor, isinasailalim pa nila ito sa proseso.

Nilinaw din ng pamunuan ng PNP na ang pabuya mula sa gobyerno ng Pilipinas ang kanilang pino-proseso ngayon para sa impormante ni Marwan.

Kabilang sa prosesong gagawin ng PNP ay ang pag beripika kung lehitimo ang taong kukuha ng pabuya at kung siya ba talaga ang nagbigay ng tip sa mga otoridad ng pinagtaguan ni Marwan.

Hindi na nakapagbigay ng detalye si Mayor kung gaano katagal ang kanilang prosesong gagawin bago maaprubahan ang pagbibigay ng pabuya at base na rin tio sa magiging desisyon ng Reward and Valuation committee.

Pagtitiyak ni Mayor, buo pa rin ang at walang bawas ang pitong milyong pisong patong sa ulo ni Marwan at naghihintay na lamang sila ng desisyon mula sa komite para maibigay na ito sa claimant.

TAGS: Marwan reward money, Marwan reward money

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.