LGUs at mga kongresista dapat gamitin ng DOH sa info campaign tungkol sa nCoV

By Erwin Aguilon February 03, 2020 - 11:30 AM

AP PHOTO
Hinikayat ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang Department of Health (DOH) na makipagtulungan sa local government units (LGUs) gayundin sa mga Congressmen para sa pamamahagi ng impormasyon patungkol sa novel coronavirus (nCoV).

Ayon kay Cayetano, sa ganitong paraan ay makakatulong ang LGUs at mga kongresista sa pagpapaklat sa publiko ng tamang impormasyon na madaling maintindihan at para maiwasan ang kalituhan at pagpapanik ng taumbayan.

Iginiit nito na bagamat mayroong social media namakakatulong sa pamamahagi ng impormasyon ay minsan nagkakaroon ng kalituhan dahil hindi ito beripikado at hindi mula sa otoridad.

Bukod dito kapag may koordinasyon din umano ang LGUs at health department ay makaksiguro ang publiko na transparent ang gobyerno sa nasabing isyu.

Sa kasalukuyan dalawa na ang kumpirmadong kaso ng nasabing virus isang 38 anyos na Chinese na babae at 44 anyos na lalaking Chinese na namatay sa San Lazaro Hospital.

TAGS: disease, doh, heath, Inquirer News, ncov, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, disease, doh, heath, Inquirer News, ncov, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.