Mahigit 200 mamamayan ng Australia na inilikas sa Wuhan City dinala muna sa isang remote island
By Dona Dominguez-Cargullo February 03, 2020 - 11:07 AM
Inilikas ng Australia ang mahigit 200 mamamayan nito mula sa Wuhan City, China.
Ayon kay Australia Foreign Minister Marise Payne, 243 na mamamayan nila ang inilikas sakay ng chartered flight.
Isasailalim sila sa quarantine sa remote island sa bahagi ng northwest coast ng Australia.
Ayon kay Payne, naging prayoridad nila ang mga itinuturing na vulnerable individuals.
Binigyan ng masks at hand sanitizer ang lahat ng pasahero at mga crew.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.