Ateneo de Zamboanga naglabas ng protocols para maiwasan ang paglaganap ng 2019-nCoV

Nagpalabas ng protocols ang Ateneo de Zamboanga University na susundin ng kanilang mga mag-aaral, guro at mga staff para maiwasan ang paglaganap ng novel coronavirus.

Sa ilalim ng inilabas na alituntunin ang mga mayroong history ng pagbiyahe sa China at iba pang mga bansa na apektado ng sakit ay pinapayuhan na manatili muna sa kanilang mga bahay sa loob ng dalawang linggo.

Kung bumiyahe sa China at iba pang infected na bansa, agad itong ipaalam sa University Infirmary.

Pinapayuhan din ang mga mag-aaral na agad magpatingin kung mayroong sintomas ng flu.

Tiyakin ang pagkakaroon ng proper hygiene sa pamamagitan ng paghuhugas lagi ng kamay at paggamit ng hand sanitizer.

Siguruhin din ang pagkakaroon ng wastong nutrisyon para mapalakas ang immune system.

Iwasan din ang pagtungo sa matataong lugar.

Read more...