DepEd naglabas ng infographic na susundin ng mga guro at mag-aaral kontra 2019-nCoV
Nagpalabas ng infographic ang Department of Education (DepEd) para maiwasan ang paglaganap ng novel coronavirus sa mga paaralan.
Laman ng infographic ang mga payo na dapat ay sundin ng mga mag-aaral, guro at iba pang DepEd personnel bilang precautionary measures laban sa nCoV.
Sa ilalim ng “STOP NCOV” measures ng DepEd inilatag ang mga dapat na gawin para makaiwas sa sakit.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
S – See a doctor. Agad magpatingin sa manggagamot kung may sintomas ng ubo o sipon
T – Take 8 to 10 glasses of water daily
O – One’s health is important. Dapat panatilihin ang health lifestyle at malinis na kapaligiran
P – Prepare health and well-cooked meals
N – Never forget to cover your mouth and nose when coughing or sneezing
C – Crowded places and contact with farm and wild animals should be avoided
O – Observe proper handwashing. Gumamit ng sabon at tubig
V – Vitamin C supplements and Vitamin C-rich fruits and vegetables should be taken daily
Kasabay nito bumuo rin ang DepEd ng Task Force nCoV para mabantayan ang mga paaralan kontra sa sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.