24 PUIs nag-negatibo lahat sa 2019-nCoV base sa pagsusuri ng RITM

Nag-negatibo lahat sa pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang 24 na patients under investigation (PUIs) na una nang inilagay sa isolation dahil sa sintomas ng novel coronavirus.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Health Sec. Francisco Duque III, sa kabuuang 36 na PUIs, 10 dito ang na-discharged na.

Sa 26 naman na inilagay sa isolation, 24 ang nag-negatibo.

Nananatili naman sa dalawa ang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa bansa kung saan ang isa ay nasawi.

Ang babaeng Chinese naman na unang nagpositibo ay patuloy na bumubuti ang kondisyon.

Read more...