2 pasyente ng 2019-nCoV sa Thailand gumaling matapos gamitan ng kombinasyon ng antiviral drugs

By Dona Dominguez-Cargullo February 03, 2020 - 08:47 AM

Dalawang pasyente ng novel coronavirus sa Thailand ang nagamot gamit ang kombinasyon ng antiviral drugs.

Ayon sa Ministry of Health ng Thailand, sa isang ospital sa Bangkok, gumaling ang 71 anyos na babaeng pasyente na galing sa China na ginamitan nila ng kombinasyon ng mga gamot laban sa HIV at flu.

Inilarawan ng ospital na ‘severe’ ang kondisyon ng babaeng pasyente pero nang gamitan ito ng naturang gamot ay bumuti ang pakiramdam niya sa loob ng 48 oras lamang.

Kalaunan ay nag-negatibo na ito sa novel coronavirus sa isinagawang panibagong pagsusuri sa kaniyang respiratory system.

Ayon sa Ministry of Health isa pang pasyente sa THailand ang gumaling din gamit ang parehong kombinasyon ng gamot.

Sa ngayon ayon sa World Health Organization wala pang malinaw na gamot para sa novel coronavirus at wala pa ring bakuna na panglaban dito.

TAGS: 2019 ncov, Bangkok, disease, doh, heath, Inquirer News, Ministry of Health, ncov, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, thailand, 2019 ncov, Bangkok, disease, doh, heath, Inquirer News, Ministry of Health, ncov, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, thailand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.