Sa nakalipas na magdamag patuloy na nakapagtatala ng pagbuga ng usok mula sa crater ng Bulkang Taal.
Ayon sa 8AM Taal Volcano Bulletin, sa nakalipas na magdamag ay nagbuga ng moderate hanggang voluminous na kulay dirty-white hanggang kulat puti na steam-laden plumes ang bulkan.
Umabot sa 800 meters ang taas ng ibinugang usok ng bulkan habang ang nailabas nitong Sulfur dioxide (SO2) ay umabot sa 97 tonnes per day.
Sa nakalipas na magdamag, nakapagtala ng 134 na mahihinang volcanic earthquakes sa bulkan
Dalawa dito ang nasukat na mayroong magnitude 3.2 at 2.3.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa Taal Volcano at ayon sa Phivolcs, maari pa ring magkakaroon ng mahihinang phreatomagmatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall, at lethal volcanic gas expulsions.