Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang implementasyon ng expanded travel ban ay sa layuning hindi makapasok sa Pilipinas ang lahat ng mga banyaga anuman ang kanilang nationality basta sila ay nanggaling sa China at mga lalawigan na saklaw nito.
Gayunman, nilinaw ni Morente na ang mga Filipino na mga permanent resident visa holders ay papayagan na makapasok sa bansa pero sila ay obligado na sumailalim sa 14 -day quarantine na ipatutupad ng Bureau of Quarantine (BOQ).
Ang anunsiyo ng BI ay matapos magpalabas ng temporary travel ban si Pangulong Duterte, araw ng linggo para sa mga biyahero na manggaling ng China, Hong Kong at Macau.
Kasama din sa ipinagbabawal ang pagbiyahe ng mga Filipino patungo ng China at kanilang Special Administrative Regions.
Paglilinaw ng BI, bawal pumunta sa mga naturang lugar ang mga Filipino anumang uri ng visa na kanilang hawak.