Expanded travel ban sa mga biyahero mula China, Hong Kong at Macau ipinatupad na ng BI

By Ricky Brozas February 03, 2020 - 07:54 AM

Ipinag-utos na ng Bureau of Immigration ang pagpapalawig ng travel ban sa mga banyaga mula sa China at Special administrative Regions nito.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang implementasyon ng expanded travel ban ay sa layuning hindi makapasok sa Pilipinas ang lahat ng mga banyaga anuman ang kanilang nationality basta sila ay nanggaling sa China at mga lalawigan na saklaw nito.

Gayunman, nilinaw ni Morente na ang mga Filipino na mga permanent resident visa holders ay papayagan na makapasok sa bansa pero sila ay obligado na sumailalim sa 14 -day quarantine na ipatutupad ng Bureau of Quarantine (BOQ).

Ang anunsiyo ng BI ay matapos magpalabas ng temporary travel ban si Pangulong Duterte, araw ng linggo para sa mga biyahero na manggaling ng China, Hong Kong at Macau.

Kasama din sa ipinagbabawal ang pagbiyahe ng mga Filipino patungo ng China at kanilang Special Administrative Regions.

Paglilinaw ng BI, bawal pumunta sa mga naturang lugar ang mga Filipino anumang uri ng visa na kanilang hawak.

TAGS: China, disease, doh, heath, Hong Kong, Inquirer News, macau, ncov, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, travel ban, China, disease, doh, heath, Hong Kong, Inquirer News, macau, ncov, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, travel ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.