2 sugatan sa terror attack sa Streatham, London

Isang lalaki na kalalaya lamang sa bilangguan ang nanaksak sa Streatham, London.

Dalawa ang sugatan na isang lalaki at isang babae na kapwa isinugod sa ospital matapos saksakin ng suspek.

Ang suspek naman ay napatay ng mga rumespondeng pulis.

Ayon sa mga otoridad, nagsuot ng pekeng suicide bombing devide sa kaniyang katawan ang lalaki at saka nanaksak sa Streatham High Road.

Kalalaya lamang sa bilangguan ng suspek noong nakaraang linggo matapos makulong ng isa at kalahating taon.

Itinuturing ng mga otoridad na ang nangyari ay Islamist-related terrorist incident.

Read more...