11.2 degrees Celsius naitala sa Baguio City; 7 degrees Celsius naitala sa Atok, Benguet
Nakapagtala ng malamig na panahon sa Baguio City ngayong umaga pero mas malamig ang temperatura sa Atok, Benguet.
Ayon sa PAGASA Baguio Synoptic Station, 11.2 degrees Celsius sa Baguio City alas 5:00 ng umaga ngayong araw, Feb. 3.
Ang temperatura naman na naitala sa Atok, Benguet ay bumagsak sa 7 degrees Celsius alas 5:00 din ng umaga.
Noong Sabado ay bumagsak sa 10.2 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City na pinakamababang temperatura sa lungsod ngayong taon.
Habang 18.5 degrees Celsius naman ang naitala noong Sabado sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.