2 bata patay, 5 iba pa sugatan sa insidente ng pananaksak sa Negros Oriental

By Mary Rose Cabrales February 03, 2020 - 06:45 AM

Nasawi ang dalawang bata, isang walo at isang dalawang taong gulang habang sugatan naman ang tatlo pa nilang kapatid, lola at lolo matapos pagsasaksakin ng isang lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Pacuan sa bayan ng La Libertad, Negros Oriental, Linggo ng umaga (Feb. 2).

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, bigla na lamang pumasok sa loob ng bahay ng mga biktima ang suspek at doon sila pinagsasaksak.

Agad nahuli matapos gawin ang krimen.

Nasa kustodiya naman na ng La Libertad Police ang suspek.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa krimen.

TAGS: Inquirer News, La Libertad, Negros Oriental, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, stabbing incident, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, La Libertad, Negros Oriental, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, stabbing incident, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.