Total lockdown sa bayan ng Don Marcelino sa Davao Occidental umiiral na dahil sa ASF
Nagpatupad na ng total lockdown sa bayan ng Don Marcelino sa Davao Occidental na apektado ng African Swine Fever (ASF).
Ito ay matapos ang unang kautusan ng Department of Agriculture (DA) na magkaroon ng total ban sa pagbiyahe ng mga baboy at karneng baboy sa buong lalawigan ng Davao Occidental.
Bawal na din ang pagkatay ng baboy at pagbebenta ng karneng baboy sa lahat ng palengke sa lalawigan.
Ang mga kalapit na lalawigan naman ay nagtayo na ng Quarantine Facilities kung saan lahat ng bumibiyahe ay dapat dumaan sa footbath, habang ang mga sasakyan ay ginagamitan ng disinfectant.
Iniutos na ni Davao Occidental Gov. Claude Bautista ang pagtatalaga ng mga backhoe sa Don Marcelino para tumulong sa disposal ng mga baboy na kontaminado ng ASF.
Una nang nagdeklara ng ASF outbreak ang DA sa bayan ng Don Marcelino.
Iniimbestigahan na ng Bureau of Animal Industry (BAI) kung paanong nagkaroon ng kaso ng ASF sa lalawigan.
Ang outbreak ng ASF sa Don Marcelino ay kauna-unahan sa Mindanao Region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.