Suplay ng N-88 surgical mask sa bansa kapos na ayon sa DTI
Nananatiling kapos ang suplay ng N-88 surgical mask sa bansa.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), base sa kanilang monitoring, kapwa ubos na ang stocks ng surgical masks sa SouthStar Drugstore at Mercury Drugstore.
Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, sinubukan ng Philippine International Trading Corporation (PITC) na mag-order ng surgical masks sa ibang bansa pero limitado lang din ang stocks bunsod ng taas ng demand nito sa iba’t ibang panig ng mundo.
Nakipag-ugnayan na si Lopez sa kumpanyang MedTecs ang nag-iisang local producer ng N-88 masks sa Pilipinas para sa produksyon ng mas maraming masks sa mga susunod na linggo.
Nangako aniya ang MedTecs na makagagawa ito ng 100,000 piraso ng masks ngayong linggo at sa susunod ay 400,000 na kada linggo.
Tiniyak umano ng MedTecs na makapagsu-suplay ito ng dalawang milyong masks kada buwan.
Sa ngayon ay 80,000 piraso lang ng masks ang capacity ng produksyon ng kumpanya pero nag-order na ito ng karagdagang mga makina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.