Northeast Monsoon, umiiral pa rin sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA
Patuloy na nakakaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA.
Sa weather update, sinabi ni PAGASA weather specialist Ana Clauren na makikita ang mga kaulapan sa Northern Luzon at Silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Bunsod nito, asahan pa rin aniya ang maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera, CALABARZON, Aurora at Metro Manila.
Apektado rin nito ang bahagi ng Bicol region, Eastern Visayas, Caraga at Davao.
Samantala, sa ibang bahagi ng Central Luzon, Ilocos region at MIMAROPA, maaaring makaranas ng maulap na papawirin na may posibilidad na light rains.
Samantala, sinabi ni Clauren na wala pa ring inaasahang papasok o mabubuong sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlo hanggang limang araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.