DOT, naglabas ng panuntunan ukol sa temporary ban sa China, HK at Macau
Naglabas ang Department of Tourism (DOT) ng panuntunan ukol sa ipinagtupad na temporary ban ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng dayuhan mula sa China, Hong Kong at Macau.
Sa inilabas na pahayag, inabisuhan ng kagawaran ang foreign offices sa China na ipakalat sa lahat ng stakeholders kasunod ng travel ban para maiwasan ang pagkalat ng 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).
Kabilang aniya sa ban ang sinumang papasok ng bansa maliban sa mga Filipino
at holders ng Permanent Resident Visa na inilabas ng gobyerno.
Sasailalim anila ang mga Filipino na galing China, Hong Kong at Macau sa mandatory 14-day qquarantine pagkadating ng bansa.
Ipagbabawal din ang mga Filipino na makabiyahe patungong China at Special Administrative Regions.
Dagdag ng DOT, nakikipag-ugnayan na ang DOT sa travel trade sector sa bansa para matiyak ang implementasyon ng direktiba ng pangulo.
Makikipagtulungan din ang DOT sa lahat ng ahensya ng gobyerno para masigurong magagawa ang precautionary steps para sa kaligtasan ng mga Filipino at biyahero sa iba pang mga bansa na bibisita sa Pilipinas.
Ani Tourism Secretary Bernadettte Romulo-Puyat, nananatiling prayoridad ng DOT ang kaligtasan at proteksyon ng mga mamamayan sa lahat ng tourist spots, empleyado sa tourism sector at domestic at foreign tourists.
Hinikayat din ng kalihim ang mga lahat ng kabilang sa tourism industry na sundin ang direktiba ng pangulo hanggat hindi pa inaanunsiyo ng World Health Organization (WHO) at gobyern ng Pilipinas na ligtas na muling bumiyahe sa mga nasabing bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.