PNP tutulong sa DTI, LGUs para maiwasan ang hoarding ng mga suplay pangotra sa 2019-nCoV ARD

INQUIRER FILE PHOTO | EDWIN BACASMAS

Tutulong ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Trade and Industry (DTI) at mga lokal na pamahalaan para maiwasan ang hoarding sa mga suplay na pangotra sa 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng PNP na aalamin nila ang mga posibleng tindahan o tao na hinihinalang nag-hoard ng mga suplay at lumabag sa ipinatupad na batas.

Kasunod nito, muling hinikayat ni PNP chief General Archie Gamboa ang publiko na huwag mag-panic buying ng mga suplay.

Manatili rin aniyang kalmado at updated ukol sa nasabing sakit.

Tiniyak din nito sa publiko na sisiguraduhin ng pambansang pulisya ang kaayusan at kaligtasan ng publiko para hindi pagsamantalahan ng mga kriminal ang sitwasyon.

Read more...