MIAA, magpupulong para talakayin kung paano ipatutupad ang travel ban mula China, Hong Kong at Macau
Magpupulong ang Manila International Airport Authority (MIAA) kung paano ipatutupad ang ipinag-utos na travel ban ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng dayuhan mula China, Hong Kong at Macau.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni MIAA general manager Ed Monreal na makakasama sa pulong ang Airline Operators Council, Bureau of Immigration, Bureau of Quarantine at mga opisyal ng MIAA.
Ayon sa MIAA, magiging consultative ang pulong para magawan ng aksyon ang mga maaapektuhang pasahero.
Pinayuhan naman ni Monreal ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline o travel agency para sa tamang abiso.
Hinikayat din nito ang mga pasahero na i-check sa airline websites ang mga abiso para manatiling updated ukol sa isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.