P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa high-value target sa Negros Oriental

Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency Central Visayas (PDEA RO7) ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680,000 sa Sibulan, Nergos Oriental Sabado ng tanghali.

Ayon sa PDEA RO7, ikinasa ang buy-bust operation sa Purok 3, Diversion Road sa Barangay Magatas bandang 12:30 ng tanghali.

Nahuli sa operasyon ang suspek na si Lorna Baldoza, 43-anyos.

Maliban sa ilegal na droga, nakuha rin kay Baldoza ang isang cell phone at ginamit na buy-bust money.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...