LGUs, inatasan ng DILG na bumuo ng barangay health emergency response team vs 2019-nCoV ARD
Inatasan na ni Interior secretary Eduardo Año ang mga local chief executive na bumuo ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) na tutugon sa 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD) outbreak.
Ayon kay Año, tungkulin ng BHERT na bisitahin ang tahanan ng mga residente na may bagong dating galing sa ibang bansa lalo na ang mga bansang nakapagtala ng kaso ng coronavirus.
Aatasan ng BHERT ang mga bagong dating sa kanilang lugar na i-record ang kanilang body tempereature kada araw sa umaga at hapon sa loob ng 14 na araw na home quarantine.
Ayon kay Año, kailangang paghandaan ng pamahalan ang naturang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.