Mahihinang pagbuga ng abo, naitala sa Bulkang Taal
Patuloy pa rin ang aktibidad ng Bulkang Taal.
Sa Taal volcano bulletin bandang 8:00 ng umaga, sinabi ng Phivolcs na naglalabas pa rin ang bulkan ng puting usok na may taas na 50 hanggang 100 metro.
Umabot naman sa 97 tonnes kada araw ang naitatalang sulfur dioxide (SO2) emission.
Samantala, nakapagtala ang Taal Volcano Network ng 153 volcanic earthquakes kabilang ang dalawang low-frequency events.
Nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.
Ibig-sabihin, sinabi ng Phivolcs na posible pa ring makaranas ng weak phreatomagmatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall, at lethal volcanic gas expulsions na maaaring makaapekto sa Taal Volcano Island.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.