Temporary ban sa lahat ng dayuhan mula China, HK at Macau iniutos ni Pangulong Duterte

Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabawal na makapasok sa Pilipinas ang lahat ng mga dayuhan na galling sa China at sa Special Administrative Regions nito na Macau at Hong Kong.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, inaprubahan ng pangulo ang rekomendasyon ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para maawat ang paglaganap pa ng sakit na novel coronavirus sa bansa.

Kabilang sa inaprubahan ng pangulo ang sumusunod na gudelines na inirekomenda ng Task Force:

– Temporary ban sa pagpasok sa bansa ng lahat ng dayuhan, na galing sa China, Macau at Hong Kong. Hindi sakop ng ban ang mga Filipino citizens at ang iba pa na holders ng Permanent Resident Visa.
– Temporary ban sa pagpasok sa bansa ng lahat ng dayuhan na may history ng travel sa China, Hong Kong at Macau 14 na araw bago ang kanilang pagtungo sa Pilipinas. Hindi sakop ng ban ang mga Filipino citizens at ang iba pa na holders ng Permanent Resident Visa.
– Pagpapatupad ng mandatory 14 days na quarantine sa lahat ng Filipino at Permanent Resident Visa holders na galling sa China at Special Administrative Regions nito
– Pagpapatupad ng temporary ban sa lahat ng Filipinos na makabiyahe sa China at sa Special Administrative Regions nito
– Pagtatayo ng repatriation at quarantine facility

Inatasan ng pangulo ang lahat ng department heads, pinuno ng mga ahensya at iba pang tanggapan ng gobyerno kabilang ang mga GOCCs, GFIs, SUCs at LGUs na ipatupad ang naturang mga alituntunin.

Naka-standby naman ang AFP at PNP at iba pang law enforcement agencies para mgbigay ng karampatang tulong sa pagpapatupad ng direktiba,

Binigyan naman ng pangulo ng kapangyarihan ang Task Force na magpatupad din ng ban sa mga biyahero na galling sa iba pang bans ana apektado ng 2019-nCoV kung kakailanganin.

Sa Lunes, Feb. 3 si Pangulong Duterte ang mamumuno sa pulong ng Task Force.

Read more...