BREAKING: Ikalawang kaso ng 2019-nCoV sa Pilipinas naitala; pasyente pumanaw na kahapon – DOH

Patay ang isang 44-anyos na lalaking Chinese na naka-confine sa San Lazaro Hospital sa Maynila matapos tamaan ng 2019 novel coronavirus.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ito na ang ikalawang kaso ng coronavirus na naitala sa Pilipinas.

Ayon kay Duque, magkasama ang 44-anyos na lalaking Chinese sa 38-anyos na babaeng Chinese na unang naitala na kaso ng coronavirus sa bansa.

Parehong galing ng Wuhan City sa China ang dalawa.

Ayon kay Duque, parehong dumating sa Pilipinas ang dalawang Chinese noong January 21, 2020.

Nagpa-check up aniya ang dayuhan sa ospital matapos makaranas ng ubo, lagnat, sore throat hanggang sa nauwi na sa severe pneumonia.

Ayon kay Duque, pumanaw ang lalaking Chinese kahapon, February 1.

Sa ngayon, sinabi ni duque na nakikipag-ugnayan na ang DOH sa embahada ng China para sa mga labi ng lalaking Chinese.

Samantala, sinabi ni Duque na 24 na patients under investigation ang nag-negatibo sa coronavirus.

Read more...