Northeast Monsoon, umiiral sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Photo grab from DOST PAGASA’s website

Sa pagpasok ng buwan ng Pedrero, patuloy pa ring umiiral ang Northeast Monsoon o Amihan sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA.

Sa weather update, sinabi ni PAGASA weather specialist Ramond Ordinario nagdudulot ito ng malamig na panahon sa Luzon habang mahihinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Visayas at Mindanao.

Dahil dito, makakaranas ng maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan sa bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera, Ilocos region, Aurora at Quezon.

Magiging maaliwalas naman ang panahon sa nalalabing parte ng bansa kabilang ang Metro Manila.

Sinabi pa ni Ordinario na naitala ang pinakamalamig na temperatura na 18.5 degrees Celsuis sa Metro Manila partikular sa Science Garden bandang 6:00, Sabado ng umaga (February 1).

Umabot naman ang pinakamababang temperatura sa Baguio City na 10.2 degrees Celsuis bandang 7:00 ng umaga.

Dagdag pa nito, wala pa ring inaasahang mabubuo o papasok na anumang weather disturbance sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

Read more...