US warship, nagpatrulya sa pinagtatalunang South China Sea

USS curtis wilbur
Photo from wikipedia

Nagpatrulya ang isang US warship sa pinag-aagawang teritoryo ng China, Taiwan at Vietnam sa South China Sea.

Kinumpirma ng Pentagon ang naturang operasyon sa South China Sea.

Ayon kay Commander Bill Urban, tagapagsalita ng Pentagon, nagsagawa ang US ng Freedom of Navigation operation sa South China Sea kahapon, January 30 partikular na sa paligid ng Triton Island.

Hindi aniya naaayon sa International Law na makikita sa Law of the Sea Convention ang labis na pag-aangkin ng China, Taiwan, at Vietnam sa Triton Island.

Nabatid na walang nakitang Chinese army o navy nang magpatrulya ang US warship na USS Curtis Wilbur sa loob ng 12 nautical miles ng Triton Island.

Read more...