3 sakay ng lumubog na bangka sa Catanduanes, nailigtas ng PCG

By Angellic Jordan February 01, 2020 - 05:31 PM

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong mangingisda na sakay ng lumubog na bangka sa San Andres, Catanduanes Biyernes ng gabi.

Unang nasagip ng PCG search and rescue (SAR) team sina Andy Subion, 50-anyos, at Domingo Lazado, 63-anyos sa karagatang sakop ng Barangay Codon bandang 8:00 ng gabi.

Nailigtas naman ang ikatlong mangingisda na si Romulo Flores, 39-anyos, bandang 7:00, Sabado ng umaga (February 1).

Nakaranas ng malalaking alon ang mga mangingisda dahilan para lumubog ang kanilang bangka.

Tiniyak naman ng PCG na nasa maayos na kondisyon ang tatlo.

TAGS: catanduanes, PCG, san andres, catanduanes, PCG, san andres

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.