Cebu Pacific, kinansela ang lahat ng biyahe sa pagitan ng Pilipinas at China

By Angellic Jordan February 01, 2020 - 04:07 PM

Kinansela ng Cebu Pacific ang lahat ng kanilang biyahe sa pagitan ng China.

Sa abiso ng airline company, kanselado ang mga biyahe patungo at pabalik ng Beijing, Shanghai, Xiamen, Guangzhou at Shenzen mula February 2 hanggang March 29, 2020.

Layon anila nito na maiwasan ang pagkalat ng 2019-novel corornavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).

Samantala, babawasan ang mga biyahe sa pagitan ng Pilipinas, Hong Kong at Macau.

May opsyon naman ang mga apektadong pasahero na mag-rebook, refund o ilagay ang halaga ng kanilang ticket sa Travel Fund.

Humingi ng paumanhin ang airline company at nagpasalamat sa pang-unawa ng kanilang mga pasahero.

TAGS: 2019-nCoV ARD, 2019-novel corornavirus, 2019-novel corornavirus acute respiratory disease, Beijing, BUsiness, cebu pacific, China, corornavirus, flight cancellation, Guangzhou, Hong Kong, macau, shanghai, Shenzen, Xiamen, 2019-nCoV ARD, 2019-novel corornavirus, 2019-novel corornavirus acute respiratory disease, Beijing, BUsiness, cebu pacific, China, corornavirus, flight cancellation, Guangzhou, Hong Kong, macau, shanghai, Shenzen, Xiamen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.