Halaga ng pinsala sa ilang kalsada at tulay bunsod ng pagsabog ng Taal, umabot na sa P153-M – DPWH

By Angellic Jordan February 01, 2020 - 02:53 PM

Umabot na sa P153 milyon ang halaga ng pinsala sa ilang kalsada at tulay bunsod ng pagsabog ng Bulkang Taal, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Batay sa isinumiteng ulat, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na dalawa pang national bridge sa Batangas ang nakitaan ng pinsala dahil sa mga naramdamang volcanic tremor.

Sa ulat ng DPWH Batangas First District Engineering Office (DEO), may nakita ring sira sa Calbangan Bridge sa bahagi ng Palico-Balayan-Batangas Road sa Barangay Mataas na Bayan, Lemery at Laguile Bridge sa Lemery-Taal Diversion Road sa Barangay Laguile, Taal.

Tig-P4.77 milyon ang halaga ng sira sa dalawang tulay.

Maliban dito, nagkaroon din ng pinsala sa mga sumusunod na tulay:
– Palico-Balayan-Batangas Road (P27 million damage)
– Lemery Taal Diversion Road (P35.16 million damage)
– Diokno Highway (P41.62 million damage)
– Tanauan-Talisay-Tagaytay Road (P4 million damage)
– Talisay-Laurel-Agoncillo Road (P34 million damage)
– Sinisian Bridge sa Palico-Balayan-Batangas Road (P2 million damage)

Nananatili namang sarado sa mga motorista ang Talisay-Laurel-Agoncillo Road remain impassable dahil sa damaged pavement at lockdown na ipinatupad ng local government unit (LGU) ng Laurel at Agoncillo.

TAGS: Calbangan Bridge, DPWH, DPWH Oplan Taal, Laguile Bridge, Sec. Mark Villar, Talisay-Laurel-Agoncillo Road, Calbangan Bridge, DPWH, DPWH Oplan Taal, Laguile Bridge, Sec. Mark Villar, Talisay-Laurel-Agoncillo Road

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.