Batay sa dokumentong hawak ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), January 22 ngayon taon ng ibasura ni Judge Alexander Tamayo ng Branch 15 ng Bulacan RTC ang kanyang motion for reconsideration, dahil na rin umano sa walang maipakitang bagong ebidensya para pagbigyan ang kanyang kahilingan.
Ayon sa kautusan ni Tamayo, mabigat ang mga ebidensyang iniharap ng prosecution na nagdiin kay Palparan.
“The evidence presented by the prosecution is strong, sufficient to substantiate the present criminal charges and it is now up for the accused to refute further the evidence presented against him,” batay sa Jan. 22 decision ni Tamayo.
Noong nakaraang taon una nang naghain ng apela si Palparan sa korte na makapaglagak ng piyansa dahil hindi umano sapat ang mga ebidensya na magdidiin sa kanya, pero sa pangalawang pagkakataon muling binasura ng korte ang kaparehong kahilingan.