Chinese students ng Adamson University pinasasailalim sa self quarantine

Ipinasasailalim sa self quarantine ang mga Chinese na estudyante ng Adamson University.

Sa memorandum ng paaralan, lahat ng Chinese nationals na estudyante ay pinapayuhan na iwasan muna ang transaksuon sa loob ng unibersidad mula ngayong araw, January 31 hanggang sa February 14.

Pinayuhan ang mga professor at mga estudyanteng Chinese na gamitin ang e-learning system ng ng paaralan.

Ito ay para magtuluy-tuloy ang pag-aaral ng mga estudyante kahit sila ay naka self quarantine.

Magpapatuloy namang normal ang klase ng mga local student at international student.

Read more...