RITM may sarili nang pangsuri para sa nCoV
By Dona Dominguez-Cargullo January 31, 2020 - 07:30 PM
Inumpisahan na ng Research Institute for Tropical Medicine ang paggamit ng nCoV tests.
Ayon kay Department of Health spokesperson Eric Domingo, inumpisahan nang gamitin ang nCoV tests.
Bago magkaroon ng sariling pangsuri ay ipinadadala pa ng Pilipinas ang samples sa Melbourne Australia para sa testing.
Inaabot ng tatlo hanggang apat na araw bago makuha ng DOH ang resulta mula Australia.
Ngayong mayroon nang sariling gamit ay mas magiging mabilis na lalabas ang resulta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.