PSG personnel pinagsusuot ng face masks

Pinagsusuot ng Presidential Security Group (PSG) ng face masks ang kanilang mga tauhan.

Sa utos ng PSG, ang kanilang mga tauhan na naka-duty at nasa Malacañang Complex ay dapat magsuot ng masks.

Ayon kay PSG Spokesperson Capt. Zeerah Blanche Lucrecia, inirekomenda din nila sa Internal House Affairs Office na pansamantalang suspendihin ang museum tours sa presidential palace.

Ani Lucrecia, bahagi ito ng preemptive measure laban sa novel coronavirus.

Ito ay makaraang makapagtala na ng isang kumpirmadong kaso ng sakit ang Pilipinas.

Read more...