Pinay tennis player Alex Eala wagi sa Australian Open juniors doubles title

Nagwagi ang Filipina tennis player na si Alex Eala at ang kaniyang Indonesian partner na si Priska Madelyn Nugroho sa 2020 Australian Open Juniors girls’ doubles.

Sa loob ng 49 na minutong laro ay tinalo ng duo ang tandem ng Solvenian na si Ziva Falkner at Matilda Mutavdzic ng U.K. sa score na 6-1 at 6-2.

Una nang tinalo nina Eala at Nugroho sina Linda Fruvirtova ng Czech Republic at Kamilla Bartone ng Latvia kaya nakaabante sila sa finals.

 

 

Read more...