U.S. itinaas sa level 4 ang travel advisory sa China
Mula sa alert level 3 ay itinaas ng U.S. State Department sa level 4 ang travel advisory sa China.
Sa inilabas na abiso ang alert level 4 ay nangangahulugang ipinapayo ang hindi pagbiyahe sa China.
Ito ay matapos itaas na ng World Health Organization ang Public Health Emergency of International Concern bunsod ng novel coronavirus.
Pinaghahanda rin ang mga mamamayan ng Amerika sakaling tuluyan nang magpatupad ng travel restrictions.
Nagbawas na rin ng biyahe patungo at mula sa China ang mga commercial carrier sa U.S.
Ang mga nasa China sa ngayon ay pinapayuhang bumalik ng Amerika.
Hiling ng Department of State sa lahat ng mamamayan ng Amerika, at sa lahat ng government personnel na ipagpaliban na ang pagbiyahe sa China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.