Pag-iisyu ng visa sa mga biyahero galing Hubei, Province sinuspinde na ng DFA

Inihinto na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-iisyu ng visa sa mga biyahero na galing sa Hubei, China

Effective immediately ang suspensyon sa pagpapalabas ng visa.

Ayon sa DFA, ang mga Foreign Service Posts ng DFA sa China partikular ang Philippine Embassy in Beijing at ang Consulates General sa Chongqing, Guangzhou, Hong Kong SAR, Macau SAR, Xiamen, at Shanghai na pawang nakasasakop sa Hubei ay hindi muna magpapalabas ng visa.

Ito ay batay sa Resolution No. 01-2020 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Read more...