Dalawang negosyanteng Chinese ipinasailalim sa quarantine ng SBMA
Dalawang negosyanteng Chinese sa Subig Bay Freeport ang ipinasailalim sa quarantine.
Galing Henan, China ang dalawa at tumating sa Clark International Airport.
Ayon kay Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Administrator Wilma Eisma, bagaman walang nakitang sintomas sa dalawa ay inilagay sila sa isolation sa free port.
Sa ngayon ay minomonitor aniya ng Bureau of Quarantine ang kondisyon ng dalawang negosyanteng Chinese.
Sa loob aniya ng quarantine station ng kumpanya ng dalawang dayuhan naka-isolate ang dalawa.
Wala kasing pasilidad para sa quarantine ang SBMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.