Temporary travel ban sa Hubei Province welcome sa Kamara

By Erwin Aguilon January 31, 2020 - 04:40 PM

Welcome sa liderato ng Kamara ang ginawang temporary travel ban na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hubei province kung nasaan naroon ang Wuhan at sa iba pang lugar sa China na apektado na ng 2019-novel corona virus.

Ayon kina Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Martin Romualdez, epektibong paraan para mapaigting ang kampanya ng gobyerno laban sa pagkalat ng nCoV.

Sinabi ng mga ito na nakatitiyak na pinahahalagahan ng pamahalaan ang kalusugan ng mga Pilipino.

Tiyak ayon kay Romualdez na may gabay at tamang basehan ang mga DOH officials sa pagrerekomenda kay Pangulong Duterte na magpatupad muna ng pansamantalang travel ban ng mga Chinese nationals sa mga nCoV-hit areas.

Iginiit naman ng house speaker na handa ang liderato ng Kamara na suportahan ang anumang logistical requirements na kakailanganin ng ahensya sa paglaban sa nakahahawang sakit.

TAGS: China, coronavirus, current events, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, temporary travel ban, Wuhan City, China, coronavirus, current events, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, temporary travel ban, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.