Ayon kay Salceda, ito ay upang magamit ni Duque ang NDRRMC ecosystem kagaya ng ginawa noong 2009 nang magkaroon ng epidemya sa AH1N1.
Magbibigay ito ng access sa kalihim sa buong disaster response machinery at resources ng gobyerno.
Iginiit ni Salceda, hindi sapat ang kapangyarihan ng Interagency Task Force on Emerging Diseases para magsagawa ng malawakang contact tracing, surveillance at containment para mapigilan ang mabilis na pagkalat ng sakit.
Ginawa ni Salceda ang pahayag kasunod ng kumpirmasyon na meron nang kaso ng novel coronavirus sa bansa.
Nagpaalala rin ito sa publiko na maging alerto at maniwala lamang sa mga impormasyong magmumula sa Department of Health.