Publiko dapat maging kalmado kahit na may kaso ng novel coronavirus sa bansa

By Erwin Aguilon January 31, 2020 - 04:12 PM

Pinaalalahanan ng ilang kongresista ang publiko na maging kalmado matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na meron nang kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas.

Ayon kay House Committee on Health Chair Angelina Tan, kayang tugunan ng gobyerno partikular ng DOH ang naturang banta sa kalusugan.

Hindi anya dapat magpanic pero mag-ingat at maging malinis sa katawan sa lahat ng oras.

Sabi ni Tan, tiniyak mismo ni Health Sec. Franciso Duque sa Question Hour sa Kamara na nakalatag ang kinakailangang health protocol at sapat ang mga pasilidad para sa mga pasyenteng tatamaan ng 2019-NCoV.

Nanawagan naman si Anakalusugan Rep. Mike Defensor, sa mga nanggaling sa Wuhan o bumisita sa lugar na agad nang magpasuri.

Muli rin itong nagpaalala na iwasan ang diskriminasyon, huwag nang magsisihan at sa halip ay magtulungan na lamang para labanan ang pagkalat ng sakit.

TAGS: China, coronavirus, current events, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, China, coronavirus, current events, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.