Wala pang gamot sa 2019-nCoV ayon kay Rep. Garin
Hindi dapat maniwala ang publiko na mayroon ng gamot sa 2019 novel corona virus o 2019-nCoV.
Ayon kay dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin, wala pa talagang gamot na nadidiskubre na panlaban o pampigil sa pagkalat ng nCoV.
Hindi aniya totoo na may mga supplements, malunggay products at mga kaparehong produkto na nakakagamot sa virus.
Paalala ni Garin, sayang ang gastos sa mga sinasabing gamot sa nCoV na hindi pa naman napapatunayan sa mga pagaaral ng mga health professionals.
Sa ngayon aniya ay mabisang paraan para makaiwas sa nCoV ay pagpapalakas sa resistensya, pagpapanatili na malinis ang katawan, pagpapakunsulta sa doktor kung masama ang pakiramdam at pagsunod sa mga advice na ibibigay ng Department of Health.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.