Senate secretary na si Atty. Myra Marie Villarica kinasuhan ng falsification of public document sa Ombudsman
Sinampahan ng kasong kriminal sa Office of the Ombudsman ang Senate secretary na si Atty. Myra Marie Villarica.
Kasong Falsification of Public Document ang isinampa ng complainant na nagpakilalang mga Concerned Employees of the Senate.
Sa pitong pahinang reklamo, hiniling ng mga complainant na imbestigahan ang umano’y
falsification of public document laban sa akusado.
Inaakusahan si Villarica ng tampering o binago umano ang minutes sa journal hinggil sa talakayan Sa Senado hinggil sa ipinapasang batas.
Para sa mga complainant ang journal ay official written na record ng lahat ng kaganapan sa loob ng senado at may katapat na kaparusahan ang magbago dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.