Pilipinas dapat handa kapag nagtagal ang nCoV – Sen. Imee Marcos
Sinabi ni Senator Imee Marcos na dapat ay handa ang gobyerno sakaling magtagal ang epedimiya ng novel coronavirus o nCoV.
Ito ay kasunod nang deklarasyon ng World Health Organization ng Public Health Emergency of International Concern na ang nCoV.
Binalikan ni Marcos ang Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) epidemic, na tmagal mula November 2002 hanggang July 2003, at naitala ang 5,000 kaso at ito aniya ay base sa ulat ng Johns Hopkins University.
Banggit nito, kahapon ang European Centre for Disease Prevention and Control ay nagsabi na may 7,800 kaso ng nCoV ngayon buwan lamang.
Umaasa si Marcos na sa kabila nang mabilis na pagkalat ng sakit ay hindi madamay ang OFWs na nasa ibang mga bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.