Malakanyang dapat magtalaga ng opisyal na tagapagsalita tungkol sa 2019-nCov – Senator Binay

By Jan Escosio January 31, 2020 - 02:42 PM

Nanawagan si Senator Nancy Binay sa Malakanyang na magtalaga lang ng isang opisyal na tagapagsalita hinggil sa novel corona virus at ito aniya ay si Health Secretary Francisco Duque lang.

Katuwiran ni Binay sa ganitong paraan makakatiyak na tunay na impormasyon ang nalalaman ng publiko ukol sa mga pagkilos ng gobyerno ukol sa nakakamatay na sakit.

Dagdag pa ng senadora makakabuti rin kung bubuo si Pangulong Duterte ng isang ‘high level communication team’ na ang mga miyembro ay mula sa kinauukulang ahensya ng gobyerno.

Puna ni Binay may epidemiya din ng ‘fake news’ ukol sa sakit at may ilan pa na hindi naman maituturing na eksperto sa kalusugan ang nagsasalita para sa DOH.

Aniya makakatulong kung magkakaroon ng regular daily briefings, travel advisories, travel bans, updates, policy position, official directives and guidelines, at updates ng kondisyon na mga itunuturing na person under investigation o pinaghihinalaang nagtataglay ng virus.

TAGS: China, coronavirus, current events, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, China, coronavirus, current events, Health, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.