Pinoy sa Wuhan, China hindi muna dapat pauwiin – Sen. Sotto
Mas makakabuti kung hindi muna pauuwiin ang mga Filipino na nasa Wuhan at Hubei Province sa China.
Ito ang posisyon ni Senate President Vicente Sotto III at aniya dapat ay manatili na lang sa ‘lockdown area’ ang ating mga kababayan.
Katuwiran niya, baka makaranas lang ng diskriminasyon at iwasan sila maging ng kanilang kapamilya kapag sila ay nagbalik sa bansa.
Dagdag pa ni Sotto, kung magpapatupad ng travel ban dapat sakupin nito maging ang ibang lahi at hindi lang ang mga Chinese nationals na magmumula sa China ang pagbabawalan na makapasok ng Pilipinas.
Sinabi pa ng senador sakaling lumala ang sitwasyon, dapat hindi na rin papasukin sa bansa ang mga banyaga na magmumula sa mga bansa na may kaso na ng novel corona virus o nCoV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.